Nanawagan na ang grupong Laban Konsyumer sa National Price Coordinating Council na magtakda muli ng price freeze o price ceiling sa mga pangunahing bilihin kasama ang bigas.
Ayon kay Cathy Estavillo, Spokesperson ng Bantay Bigas, dapat magpataw ang Department of Agriculture (DA) ng price control na P28 hanggang P32 kada kilo ng bigas.
Kung tuloy-tuloy na kasi aniya ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin at murang presyo ng palay, hindi talaga bababa ang presyo ng bigas sa palengke na ipinangako sa Rice Liberalization Law na paabutin sa P25.
Pero para naman sa grupong Sinag, ayuda para sa mga magsasaka gaya ng libreng abono o subsidiya ang dapat na solusyon ng DA.
Nabatid na imbes na bilhin ng traders ang mga palay ng P17.50 hanggang P20 kada kilo, ilang linggo nang nasa P10 hanggang P13 ang bentahan sa ilang lugar gaya ng; Cagayan, La Union, Mindoro at Pangasinan kaya wala ng kita ang mga magsasaka.