Pagtatakda ng SRP, planong ilipat ng DTI sa mga manufacturers

Manila, Philippines – Balak ang Department of Trade and Industry (DTI) na ipasa sa mga manufacturers ang pagtatakda ng Suggested Retail Price (srp).

Pero ayon kay DTI Undersecretary Ted Pascua – kailangan pa ring magpaalam sa kanilang ahensya 30-araw bago ang palit-presyo.

Siniguro naman aniya na pag-aaralan ang SRP kahit mga manufacturers ang magdidikta nito.


Aminado naman si Pascua, na maraming manufacturer ang maapektuhan sa pag-aapruba sa SRP.

Para naman kay Steven Cua, president ng Philippine Amalgamated Supermarkets Association, dapat wala ng SRP at hayaang magkumpitensya at magpababaan ng presyo ang mga brands ng iba’t-ibang produkto.

Samantala, tiniyak naman ng mga manufacturers na iiral pa rin ang kumpetisyon.

Facebook Comments