Pagtatalaga kay Densing sa DILG, dapat magsilbing leksyon sa pamahalaan – VP Robredo

Iginiit ni Vice President Leni Robredo na ang mga opisyal na itinatalaga sa pamahalaan ay dapat sa kanilang kakayahan nagbabatay.

Ito ang sinabi ng Bise Presidente matapos siyang banatan ng isang opisyal ng Department of Interior and Local Government (DILG).

Sa programang Biserbisyong Leni sa DZXL RMN Manila, sinabi ni Robredo na ang pagtatalaga kay DILG Undersecretary Epimaco Densing ay dapat magsilbing leksyon sa pamahalaan partikular sa appointing powers nito.


Dagdag pa ni Robredo na marami siyang kilala sa DILG na magaling, professional at mahusay – at hindi kabilang dito si Densing.

“Marami akong kilala sa DILG na mga career, mga professional, napakahuhusay.

Nalulungkot ako para sa kanila kapag nahahaluan ng ganitong klaseng public official,” sabi ni Robredo.

Ipinunto ni Robredo na pera ng taumbayan ang ipinagsasahod kay Densing kaya dapat lamang na siguruhin na ang naninilbihan sa bayan ay maayos.

Nabatid sa isang interview tiwawag ni Densing si VP Leni na “lugaw” at “non-essential” at umani siya ng batikos sa kanyang pahayag.

Facebook Comments