Isinusulong ni Senator Imee Marcos na magtalaga ng isang child development worker sa bawat daycare center sa bansa.
Ginawa ni Marcos ang rekomendasyon sa gitna ng pagdinig ng Senate Committee on Social Justice, Welfare and Rural Development na pinamumunuan ng senadora.
Ang itatalagang child development worker sa mga daycare centers ay accredited at suswelduhan ng pamahalaan.
Hiniling ni Sen. Marcos na mabigyan ng Salary Grade 6 o P18,520 ang accredited child development worker.
Sinabi naman ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Program Management Bureau Director Maricel Deloria, mangangailangan ng pondo na P1.6 billion kada buwan o P21.3 billion kada taon para sa panukala.
Agad namang ipinag-utos ni Sen. Marcos sa binuong technical working group na pag-aralang mabuti at bumalangkas ng 3 hanggang 5-year plan para sa nasabing proposal.