Pagtatalaga ng mga pulis at sundalo sa mga unibersidad, lalong magpapalakas sa recruitment ng makakaliwa

Manila, Philippines – Mariing tinutulan ni Senator Imee Marcos ang mungkahi na magtalaga ng mga pulis at militar sa loob ang mga unibersidad para mapigilan ang umiigting na recruitment ng mga makakaliwang grupo sa hanay ng mga kabataang estudyante.

Diin ni Marcos, lalo lamang lalakas ang recruitment ng mga grupong makakaliwa kung itutuloy ng pamahalaan ang plano nitong bantayan ng mga pulis at militar ang mga aktibidad ng mga estudyante sa loob ng mga paaralan.

Ipinaliwanag ni Marcos na kapag nagmistulang garison ang mga unibersidad ay tiyak mas dadami ang sasaling estudyante sa mga ‘progressive organizations.’


Para kay Marcos, makabubuting hayaan ang mga estudyante na tumunton at umalam sa tama at mali para sa kanilang pag-unlad at ikabubuti.

Dagdag pa ni Marcos, maaring bumuo ang mga estudyante mismo ng kanilang mga organisasyon bilang alternatibo sa inilalakong ideya ng mga makakaliwang grupo.

Facebook Comments