Manila, Philippines – Walang nakikitang masama si Senator Chiz Escudero sa pagtatalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte ng mga dating opisyal ng pulisya at militar sa ibat ibang posisyon sa gobyerno.
Para kay Escudero, makakatulong din ito para magkaroon ng balanse sa Gabinete bilang tugon sa mga puna kaugnay sa paglalagay ni Pangulong Duterte ng mga opisyal sa gobyerno na galing sa makakaliwang grupo.
Reaksyon ito ni Escudero sa pagtatalaga ni Pangulong Duterte kay AFP Chief of Staff General Eduardo Año bilang kalihim ng Department of Interior and Local Government.
Bago si General Año ay may nauna pang mga retired generals na itinalaga si Pangulong Duterte katulado ni dating AFP Chief Hermogenes Esperon na ngayon ay national security adviser at retired General Roy Cimatu bilang secretary namanng Department of Environment and Natural resources.
Binanggit pa ni Escudero na maging ang mga naunang pinuno ng bansa tulad nila dating Pangulong Gloria Arroyo at Noynoy Aquino ay kumuha din ng mga retired military at police officials para sa kanilang gabinete.
Tiwala si Senator Escudero na malawak din naman ang karanasan ng mga dating heneral.
DZXL558