Pagtatambak ng dolomite sand sa Manila Bay, dapat pa ring tapusin ayon sa Malakanyang

Iginiit ng Malakanyang na dapat pa ring tapusin ang pagtatambak ng dolomite sand na bahagi ng rehabilitasyon sa Manila Bay.

Sa kabila ito ng panawagan ng ilang sektor na ipatigil na ang paglalagay ng dolomite sand at ilaan na lamang ang perang ginagastos dito sa COVID-19 response ng pamahalaan.

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, bagama’t may kapangyarihan si Pangulong Duterte na magre-align ng pondo para sa COVID-19 response sa ilalim ng Bayanihan Law ay hindi naman nito saklaw ang dolomite budget.


Maaari lang kasi aniyang mare-align ang pondo kung hindi pa ito nailalaan sa isang takdang proyekto.

Matatandaang Setyembre 2020 ng simulan ang proyekto kung saan paliwanag ng DENR na paraan ito upang huwag ng magkalat ang mga tao sa Manila Bay habang iginiit naman ng Malacañang na makakabuti ito sa mental health ng publiko lalo na ngayong may pandemya.

Facebook Comments