Binatikos kahapon sa social media ang ginawa ng Commission on Elections (COMELEC) na pagbabaklas ng mga campaign materials kahit na sakop ito ng private property.
Ayon sa election lawyer na si Atty. Romulo Macalintal, dapat binigyan muna ng pagkakataon ang mga may-ari ng posters na magpaliwanag bago ito tanggalin.
Una nang sinabi ni COMELEC Spokesperson James Jimenez na may karapatan pa rin silang tanggalin ang mga poster ng mga kandidato kahit na nasa loob ito ng pribadong lugar lalo na’t mayroong dapat sundin na size requirement sa mga campaign materials.
Batay sa Implementing Rules and Regulation (IRR) ng Fair Elections Act, nasa 2ft x 3ft lamang ang pinapayagang laki ng bawat campaign posters.
Sabi naman ni dating COMELEC Commissioner Rowena Guanzon, walang karapatan ang mga ito na pumasok sa private properties nang walang pahintulot para lamang alisin ang mga posters dahil maituturing itong trespassing.