Pagtatanggal sa PNP sa war on illegal drugs, sagot lamang sa kritisismo

Manila, Philippines – Inihayag ngayon ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang kautusan niya na tanging Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA nalang ang humawak sa lahat ng anti-illegal drug operations sa buong bansa ay bilang tugon sa mga krisismo ng mga kumokontra sa war on illegal drugs ng administrasyon.

Ayon kay Pangulong Duterte, sana ay natugunan niya ang hinaing ng mga bleeding hearts na walang humpay ang pagbanat sa kanyang anti-drug campaign.

Pero sinabi ng Pangulo na hindi dapat siya ang sisihin kapag mayroong nangyaring hindi maganda sa bansa at isisi ito sa mga bleeding hearts na ganito ang gustong mangyari dahil sinusunod lang niya ang mga ito.


Sinabi pa ng Pangulo na mas maganda na sa PDEA talaga ibigay ang kapangyarihan sa paglaban sa iligal na droga dahil base aniya sa tala ng pamahalaan ay PDEA ang pinakamaliit na bilang ng mga nasawi sa war on drugs kung saan 1 lang aniya ang nasawi at dalawa ang sugatan, habang sa Philippine National Police ay umabot sa 147 ang namatay at 449 ang sugatan sa war on drugs bukod pa sa mahigit 200 na killed in action sa AFP at mahigit 2000 ang sugatan sa war on drugs.

Facebook Comments