Pagtatanim ng Fruit-bearing Trees,Pakulo ng isang SK bago makakuha ng Scholarship

Cauayan City, Isabela- Ipinatutupad ngayon ni SK Federation President Heidelbeirgh Tigas Jimenez ng bayan ng Nagtipunan sa lalawigan ng Quirino ang tree planting program upang sa muling pagbangon ng Barangay San Pugo.

Ito ay makaraang hagupitin ng halos magkakasunod na kalamidad at magkaroon ng landslide o pagguho ng lupa sa kabundukang bahagi ng nasabing barangay.

Inihayag ni Jimenez ang kanyang intensyon sa lokal na pamahalaan na ang pagsasagawa ng ‘tree planting activity ay isang requirement bago makakuha ng scholarship ang sinumang magnanais nito.


Partikular na pinatatamnan nito ang mga fruit-bearing trees na maaari din mapakinabangan ng mga residente sakaling mamunga.

Matatandaan na ang lahat ng pamilya sa San pugo ay nailipat na ng tirahan sa mas ligtas na lugar sa mismong barangay dahil sa nakitang bitak sa lupa bunsod ng tuloy-tuloy na ulan noong nakaraang Nobyembre.

Sinabi rin ni Jimenez na sa kabila ng kinakaharap na pandemya ay hindi hadlang para sa mga kabataan ng Nagtipunan ang idaos ang ‘Linggo ng Kabataan’ kung saan highlight rito ang tree-planting activity, Mobile Legend Tournament at poster making contest maging ang distribusyon ng gamit pang eskwela.

Plano ngayon ni Jimenez na palakasin pa ang tree-planting activity katuwang ang LGU at iba’t ibang sektor.

Facebook Comments