PNP, nakatanggap na ng surrender filler sa mga suspek sa pagpatay sa flight attendant sa Makati

May natatangap ng surrender filler ang Philippine National Police (PNP) mula sa mga suspek sa pagpatay sa flight attendant na si Christine Dacera sa isang hotel sa Makati.

Ito ang pahayag ni PNP Chief Debold Sinas, kasabay ng pagpapaabot ng pakikiramay sa pamilya Dacera sa San Juan.

Sinabi ni PNP Chief na sa kabila na may mga nagpahayag ng susuko, hindi naman nito tinukoy kung ilan.


Tukoy na rin daw nila ang motibo pero hindi na muna nito idinetalye habang nagpapatuloy pa ang imbestigasyon.

Ayon pa kay Sinas, mahigit 11 na ang suspek ngayon krimen na kanyang pinanindigan na kaso pa rin ng rape.

Pero hindi niya naman maipaliwanag ang medico legal na lumabas sa social media na ruptured aortic aneurysm ang ikinamatay ni Dacera.

Ang kanyang sinabi ay maaaring ito talaga ang nangyari at hintayin na lang resulta ng final investigation.

Facebook Comments