Maituturing na isang paglabag sa International Humanitarian Law ang ginawa ng mga miyembro ng New People’s Army na pagtatanim ng landmines na ikinasawi ng dalawang indibidwal at ikinasugat ng isa pa sa Masbate City.
Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Commision on Human Rights Spokesperson Atty. Jacqueline De Guia na hindi dapat naiipit ang mga sibilyan sa mga ganitong girian ng pamahalaan at ng mga teroristang grupo.
Ayon kay De Guia, kasabay ng kanilang pagkondena sa nangyari ay nagsasagawa na rin sila ng sariling imbestigasyon lalo na’t mga inosenteng indibidwal ang nasawi.
Giit pa ni De Guia, kahit ang mga NPA ay dapat inirerespeto ang International Humanitarian Laws.
Facebook Comments