Cauayan City, Isabela- Hinihikayat ngayon ng Universal Leaf Philippines Incorporated (ULPI) Isabela ang lahat ng mga nais magtanim ng tabako.
Sa live interview ng RMN Cauayan kay ginoong Joven Domingo, ang Growing Production Manager at kay Mr. Myron Nuez, ang Systems and Standards Development Group Manager ng ULPI na nakabase sa Reina Mercedes, Isabela, mas malaki aniya ang kita sa tabako kumpara sa mga agricultural products gaya ng palay at mais na pabago-bago umano ang presyo.
Kumikita umano ng mahigit isangdaang libong piso sa kada ektarya ang isang tobacco farmer at halos tatlong beses umano ang doble ng kita kumpara sa palay at mais.
Bukod pa rito ay nakasiguro na ang mga magsasaka ng tabako na bibilhin ng ULPI ang kanilang produkto.
May mga programa rin umano silang nakahandang ilaan para sa mga tobacco farmers gaya ng cash assistance at land rental para sa mga walang lupa.
Kabilang rin sa contract growing na programa ng ULPI ay tinitiyak ng kanilang kumpanya na kumikita ang mga magsasaka at maibigay ang kanilang mga pangangailangan para sa mas malagong pagtatanim ng tabako.