Pagtatapos ng armed conflict sa pagitan ng mga sundalo MILF, MNLF maiiwang legacy ni Gen. Galvez

Itinuturing ni AFP Chief of Staff General Carlito Galvez na ang pagtatapos ng deka-dekadang armed conflict sa pagitan ng gobyerno, MILF at MNLF ang maiiwan nitong legacy sa Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ipinagmamalaki ni Galvez na naging bahagi siya sa makasaysayang pag-uusap ng gobyerno at MILF at maging sa MNLF kung saan humantong ito sa final peace agreement.

Kaya naman mensahe ni Galvez sa susunod sa kanya bilang AFP Chief of Staff na ipagpatuloy ang kaniyang nasimulan lalo na sa kanilang kampanya laban sa terorismo at insurgency dahil patungo na ito sa kanilang tagumpay.


Aniya, sa loob ng dalawa hanggang tatlong taon matutuldukan na ng militar ang lahat ng mga banta na kinakaharap ng bansa.

Sa halos 30 dekada sa military service, magreretiro na si Galvez sa darating na December 12, 2018.

Giit ni Chief of Staff, very fulfilled siya sa kaniyang natamo.

Sinabi pa nito na nais pa rin niyang magsilbi sa gobyerno.

Una na nitong sinabi na nag-apply siya bilang consultant sa OPAPP at tinanggap ito ni dating OPPAP Secretary Jess Dureza.

Facebook Comments