WEATHER UPDATE | Easterlies, patuloy na nakakaapekto sa bansa

38

Easterlies o hanging nagmumula sa hilagang pasipiko ang nakakaapekto sa halos buong bansa.

Kaugnay nito, makakaranas ng kalat-kalat na pag-ulan na may kasamang pagkulog at pagkidlat sa Isabela, Aurora, Quezon Province kasama ang Polillo Island, Bicol Region at Samar Provinces.

Habang kaninang alas 9:00 ng umaga, naglabas ng thunderstorm advisory ang pagasa sa Bataan, Zambales, Pampanga, Tarlac, Cavite, Laguna at Batangas.

Ang mga nabanggit na lugar ay makakaranas ng malalakas na pag-ulan at hangin.

Habang sa Metro Manila, magiging maulap ang papawirin na sasamahan ng mga isolated rainshower.

Facebook Comments