Pagtatapos ng Elementary Students sa Cauayan City, Idaraos via Live Streaming

122

Cauayan City, Isabela- Sabay-sabay na magtatapos ang nasa mahigit 100 elementary students sa pamamagitan ng virtual graduation ngayong kanselado ang school events dala ng banta ng coronavirus disease 2019.

Ayon kay School Principal Dr. Liwliwa Calpo ng San Fermin Elementary School, naisip ito ng paaralan para maipadama sa mga mag-aaral ang kanilang tagumpay sa pagtatapos sa elementarya sa kabila ng pandemya.


Dagdag pa niya, bagama’t hindi na maisasagawa ang tradisyunal na graduation ceremony ay kanila pa rin itong ipinapaunawa sa mga mag-aaral at magulang para maiwasan ang nakakahawang sakit.

Samantala, nag-iikot naman ang mga guro sa iba’t ibang paaralan sa lungsod para sa isinasagawang mobile graduation at recognition sa junior at senior high school.

 

Facebook Comments