61-anyos na lola, patay matapos pagtatagain ng kapitbahay

1665
REPRESENTATION PHOTO ONLY FROM SHUTTERSTOCK

Patay ang isang senior citizen sa Cadiz City, Negros Occidental matapos umanong tagain ng nakaalitang kapitbahay, nitong Miyerkoles ng tanghali.

Kinilala ang biktima na si Nenita Aguinsado, 61-anyos, residente ng Barangay Andres Bonifacio sa nabanggit na lungsod.


Base sa imbestigasyon ng Cadiz Police, nagkaroon ng matinding diskusyon si Aguinsado at suspek na si Joel Corros dahil napupunta raw sa bakuran ng matanda ang dumi ng manok ng salarin.

Pinagtataga ni Corros ang biktima gamit daw ang isang espading.

Isinugod sa Cadiz City District Hospital ang senior citizen pero binawian din ng buhay kinalaunan.

Lasing din umano ang akusado nang isagawa ang karumal-dumal na krimen.

Patuloy na hinahanap ng pulisya ang salarin na kaagad tumakas matapos ang pananaga.




Facebook Comments