Pagtatatag ng COVID-19 Immunization Program Management Organizational Structure, inaprubahan ng IATF

57

Bilang paghahanda sa pagdating ng bakuna laban sa COVID-19, bumuo na ang pamahalaan ng COVID-19 Immunization Program Management Organizational Structure.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, kabilang ito sa mga naaprubahan ng Inter-Agency Task Force on the Management of the Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) sa ginanap na pulong nila kahapon.


Pamumunuan aniya ng Department of Health (DOH) ang nasabing komite kung saan kabilang ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan sa mga miyembro at nasa ilalim ng pangangasiwa ng National Task Force on COVID-19.

Kasunod nito, inaatasan ng IATF na magpulong sa lalong madaling panahon ang bagong tatag na komite upang paghandaan ang paparating na bakuna kontra COVID-19.

Isa kasi sa pinakahamon ngayon ay ang cold storage facility na pag-iimbakan ng mga bakuna dahil kapag nailagay ito sa mainit na storage ay mawawala ang efficacy o bisa nito.

Facebook Comments