Pagtatatag ng E-Learning Center, hiniling ng ilang mga kongresista

35

Isinusulong nila ACT-CIS Rep. Eric Yap at Davao Rep. Paolo Duterte ang E-Learning Center Act of 2020.

Layon ng House Bill 7050 na magtayo ng mga E-Learning Center sa bawat lungsod at munisipalidad sa bansa na magsisilbing venue para sa mga gusto gumamit ng computers, internet, at academic readings para palawigin ang kanilang kaalaman lalo na ang mga estudyante.


Maaari din itong gamitin para maghanap ng trabaho o iba pang makabuluhang paggamit ng internet.

Ang Department of Education (DepEd), katuwang ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ang bubuo ng naturang E-Learning Center kung saan magiging available ang mga libro, journals, newspaper at magazines, audio-visual aids, e-books at iba pang online resources.

Ayon kay Yap, sa pamamagitan ng E-Learning Center ay mabibigyan ng pantay na oportunidad ang mga kababayan na mapaunlad ang kanilang mga buhay sa pagbibigay ng libreng access sa internet at computer.

Facebook Comments