Pagtatatag ng isang authority para sa paghahanda at pagtugon sa kalamidad, inihain ni Senator Imee Marcos

Isinusulong ngayon ni Senator Imee Marcos ang pagtatatag ng isang authority para sa paghahanda at pagtugon sa kalamidad na tatama sa bansa.

Sa Senate Bill 186 ni Marcos ay ipinatatatag ang “National Resiliency and Disaster Management Authority”.

Naniniwala si Senator Marcos na sapat na ang isang authority para sa pagtugon sa kalamidad na sasailalim sa Office of the President sa halip na ang lumikha ng isa pang kagawaran na magiging dagdag gastos at sasalungat lamang sa adhikain ng administrasyon na “rightsizing” sa gobyerno.


Sa ilalim ng itatatag na authority, bibigyan ito ng kapangyarihan na gumawa ng polisiya para sa disaster preparedness at response ng lahat ng ahensya ng pamahalaan at mangangasiwa rin sa rehabilitation at recovery efforts matapos ang kalamidad.

Bibigyan din ito ng karapatan na magdeklara ng “state of calamity” sa mga apektadong barangay, bayan, siyudad at lalawigan.

Pangangasiwaan din ng authority ang mga matatanggap na local at foreign donation para sa mga biktima ng kalamidad.

Dagdag pa rito ang pagkakaroon ng kapangyarihan na atasan ang Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) na tumulong sa kalamidad.

Facebook Comments