PBBM, pupunta sa burol ni dating Pangulong Fidel V. Ramos sa Heritage Park, Taguig City ngayong umaga

45

Nakatakdang pumunta ngayong umaga si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa burol ni dating Pangulong Fidel V. Ramos (FVR) sa Heritage Park, Taguig City.

Ito ang inanunsyo ng Office of the Press Secretary (OPS).

Kahapon, una nang sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz Angeles na sa August 9 ay bibigyan ng state funeral si dating Pangulong FVR.


Karapatan daw kasi ng pamilya ni dating Pangulong FVR na mabigyan ito ng state funeral at maging full military honors.

Samantala, bawal naman ang mga miyembro ng media sa loob ng Heritage Park kaya batay sa abiso ng OPS tanging sa labas lamang ng Heritage makakakuha ng video o larawan ang mga media mamaya sa pagtungo ni Pangulong Marcos.

Facebook Comments