Pagtatatag ng Marawi Reconstruction Commission, isinusulong sa Kamara

Manila, Philippines – Iminungkahi ni PBA Rep. Jericho Nograles ang pagtatatag ng Marawi Reconstruction Commission na mangangasiwa sa buong rehabilitasyon ng lungsod.

Sinabi ni Nograles, masyadong mabigat ang pangangailangan sa logistics at pondo para tuluyang maibangon ang Marawi mula sa pinsalang tinamo dulot ng digmaan.

Sa ilalim ng komisyong bubuuhin ay dapat na tutukan ito ng mga dedicated na mga indibidwal, mga civil work experts at city planners.


Kailangan aniyang may iisang organisasyon o tanggapan ng gobyerno na mangangasiwa ng Marawi reconstruction at dapat suportado ito ng militar dahil tiyak na bubuhos ang tulong dito.

Kung mayroong Marawi Reconstruction Commission ay tiyak na hindi ito matutulad sa nangyari sa Yolanda rehabilitation at reconstruction project.

Pero para hindi ito mapasok ulit ng mga terorista at hindi madiskaril ang rehab program ay dapat panatilihin ang martial law hanggang sa matapos ito.

Facebook Comments