Pagtatatag ng National Immunization Technical Advisory Committee iminungkahi ng isang eksperto kasunod nang nalalapit na pagdating sa bansa ng COVID-19 vaccine

Imbes na vaccine czar, iminungkahi ni Dr. Lulu Bravo ng Philippine Foundation for Vaccination na sa halip ay magbuo ng National Immunization Technical Advisory Committee ang pamahalaan.

Ayon kay Dr. Bravo, myembro ng komite ang multi-disciplinary scientists, doctors, epidemiologist, pediatrician, representante mula sa infectious disease, microbiologist, pharmacist, public health person, nurses at housewife.

Paliwanag nito, ang komite kasama na ang kanilang pinuno o chairperson ang siyang mag- aaral hinggil sa bakuna at ang effectiveness nito gayundin upang matiyak na maipagkakaloob ang bakuna lalo na sa mga mahihirap nating mga kababayan.


Samantala, sinabi rin ni Bravo na may napili na si Pangulong Rodrigo Duterte na vaccine czar na posibleng ianunsyo nito sa mga susunod na araw.

Facebook Comments