Pagtatatag ng public health emergency council, hiniling ng Kamara kasunod ng kumpirmadong kaso ng ncov sa bansa

Muling inihain ni Muntinlupa Rep. Rozzano Rufino Biazon ang pagtatatag ng public health emergency council kasunod na rin ng banta ng novel corona virus.

Ayon kay Biazon, nauna niyang inihain ito taong 2003 kung saan kasagsagan ng sars outbreak pero hindi ito umusad sa Kongreso.

Sa ilalim ng House Bill 6081, itatatag ang council kung saan mag-ko-convene ito kapag idineklara ang state of public health emergency.


Bukod sa infectious diseases ay mangunguna din ang council sa chemical, biological o nuclear attacks bunsod ng terorismo.

Ang public health emergency council ay tututok sa prevention, detection, management at containment ng mga public health emergencies.

Bubuo din ng public health emergency plan na magsisilbing framework sa pagresponde sa health emergency ng bansa.

Napapanahon na aniya ito lalo pa’t kinumpirma na ng DOH ang unang kaso ng ncov sa bansa.

Facebook Comments