Pagtatatag ng Taal Commission, hiniling sa Kamara

Isinisulong ni House Committee On Ways and Means Chairman at Albay Rep. Joey Salceda ang pagtatatag ng Taal Commission.

 

Sa House Bill 5977 na inihain ni Salceda, ang itatatag na Taal Commission ay hindi lamang tututok sa rehabilitasyon ng mga taga-taal kundi titiyakin na hindi babagsak ang ekonomiya ng bansa.

 

Ayon kay Salceda, 64% ng gross domestic product ng bansa ay mula sa Region 3 at Region 4 kung saan ang Batangas ang isa sa matatag na source ng pinagkukunan ng mga produkto at serbisyo.


 

Giit ni Salceda, malapit din ang Batangas sa Metro Manila kaya dapat hindi ito mapabayaan.

 

Ang Taal Commission ay tatagal ng 10 taon na siyang magpapatupad ng Taal Eruption Recovery, Rehabilitation and Adaptation (TERRA) na mayroong P100 billion na pondo para sa infrastructure rehabilitation program.

 

Bubuo din ng long-term development plan na South of Manila Growth Corridor (SMGC)  kung saan hindi lamang ang nasa 14 km radius danger zone ang sakop kundi ang mga lugar na malalapit at maaaring maapektuhan ng pagsabog ng bulkang Taal.

 

Samantala, nauna na ring naghain si Batangas Rep. Vilma Santos – Recto ng panukala na pagbuo ng komisyon para sa taal at paghiling sa Kongreso at DBM na mag-realign ng pondo para sa rehab at resettlement ng mga biktima ng sakuna.

Facebook Comments