Pagtatatag ng Virology Institute of The Philippines, suportado ng mga senador

Itinutulak nina Senators Alan Peter Cayetano at Pia Cayetano ang pagtatatag ng Virology Institute of the Philippines (VIP).

Nakapaloob ito sa Senate Bill 2893 na nakasentro sa virology research at pag-develop ng bakuna.

Ang panukala ay tugon din sa lumalalang banta sa mga pathogen at disease-causing agent na nakaapekto sa tao, hayop, at halaman.


Sa sponsorship speech ni Sen. Pia Cayetano, ang VIP ay susuporta sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) upang mapalakas ang research and development ng bansa sa mga viral disease.

Maliban sa magkapatid na Cayetano ay suportado rin ng 13 iba pang senador ang panukala.

Facebook Comments