PAGTATAYA SA MAGAT AT TAO-TAO BRIDGE, ISINAGAWA NG FFIS

CAUAYAN CITY- Nagsagawa ng discharge measurement at cross-section survey ng Flood Forecasting and Section (FFIS) sa Aurora, Isabela at Alfonso Lista, Ifugao.

Ito ay isang mahalagang hakbang upang mapabuti ang monitoring at forecasting ng baha sa rehiyon.

Sa tulong ng Dam Instrumentation and Survey Unit (DISU), isinagawa ang pagsusuri sa Magat Bridge sa Aurora at Tao-Tao Bridge sa Brgy. San Jose, Alfonso Lista gamit ang Acoustic Doppler Current Profiler (ADCP) at Real-Time Kinematics (RTK).


Ang mga makabagong kagamitang ito ay tumutulong sa mas tumpak na pagsusuri ng daloy ng tubig sa ilog.

Layunin ng survey na makabuo at mapagtibay ang curve rating, na susi sa mas eksaktong pagtukoy ng flow rate ng tubig, lalo na sa panahon ng pagbaha.

Inaasahang magiging malaking tulong ang mga datos na ito sa pagpapahusay ng kakayahan ng National Irrigation Administration – Magat River Integrated Irrigation System Dam and Reservoir Division (NIA-MARIIS DRD) sa flood forecasting, upang matiyak ang kaligtasan at kahandaan ng mga komunidad sa panahon ng baha.

Facebook Comments