Aabot sa ₱5.8 bilyon ang kailangan para sa pagtatayo at pagsasa-ayos ng mga eskwelahang napinsala ng Bagyong Rolly.
Sa datos ng Disaster Risk Reduction and Management Service (DRRMS), sinabi ng Department of Education (DepEd) na aabot sa 1,618 schools ang nasira sa 36 na dibisyon sa ilalim ng National Capital Region (NCR), Cordillera Administrative Region (CAR), Ilocos, Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol at Eastern Visayas.
Nasa 1,640 ang totally-damaged classrooms, 3,455 partially major damaged classrooms at 5,807 partially minor damaged classrooms.
Nananatiling suspendido ang klase sa lahat ng lebel sa 13 dibisyon sa Region 5 na kinabibilangan ng Albay, Legaspi, City, Ligao City, Tabaco City, Camarines Norte, Camarines Sur, Iriga City, Naga City, Catanduanes, Masbate, Masbate City, Sorsogon at Sorsogon City.
Nasa 3,813 na eskwelahan ang apektado ng suspensyon ng klase sakop ang 1,616,670 enrollees.
Aabot sa 329 na paaralan o 1,794 classrooms sa ilalim ng Region 4A at Region 5 divisions ang ginagamit bilang evacuation centers.