Pagtatayo ng Airport sa Bulacan, aarangkada na

Pirmado na ng Department of Transportation (DOTr) at ang San Miguel Corporation (SMC) ang kasunduan para sa pagpapatayo ng bagong Airport sa Bulacan.

Higit 730 Bilyong piso ang halaga ng bagong paliparan na layong mapaluwag ang air traffic sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon kay Transportation Sec. Arthur Tugade, nagbigay na siya ng go signal para simulan ang konstrukyon nito.


Sinabi naman ni SMC President Ramon Ang, target nilang ilunsad ang groundbreaking bago matapos ang taon.

Itatayo ang bagong Airport sa bayan ng Bulakan, bulacan na may sukat na 2,400 hectares.

Apat na parallel runways ang ilalagay dito at walong taxi ways, at tatlong passenger terminal.

Higit 100 milyong pasahero ang makikinabang sa proyekto.

Fully-funded ng private equity ito.

Para naman mapabilis ang biyehe sa airport maglalagay din ng mga tollways.

Hindi rin problema ang relocation ng mga apektadong residente dahil sagot na ng SMC ang bahay at lupa, pangkabuhayan at edukasyon.

Target na maging fully-operational ang bagong Airport pagkatapos ng anim na taon.

Facebook Comments