Pagtatayo ng bahay para sa mga bakwit sa Marawi City, sinisimulan na

Marawi City – Pinagpipilian ng lokal na pamahalaan ng Lanao Del Norte ang dalawang modelong pabahay para sa mga bakwit sa Marawi City.

Ayon kay Abdurahman Paunte, residente engineer ng DPWH Region 10, gawa sa pre-fabricated steel ang isang modelo habang ang isa ay gawa sa kahoy.

Aniya, itatayo ang pabahay sa loob ng 11 hektaryang lupain sa Brgy. Sagonsungan sa Marawi City.


Ang steel houses ay may sukat na 4 by 7.7 meter, gawa sa kongkreto ang sahig at yerong bubungan na kayang matapos ang isang unit sa loob ng 3 araw.

Ang modelong gawa naman sa lumber o kahoy ay may sukat na 4 by 6 meters kung saan magkakahiwalay ang bahay na ito na kayang matapos sa isang linggo.

Magiging common area naman ang palikuran at kusina sa gagawing temporary housing.

Sinabi naman ni Paunte na wala pang tiyak na araw kung kailan matatapos ang mga bahay.

Gayunpaman sakaling makapagdesisyon na kung anong modelo ang gagamitin, magiging mabilis na ang konstruksyon nito.

Facebook Comments