Pagtatayo ng cell towers, mapapabilis na sa ilalim ng Bayanihan 2

Mapapabilis na ang pagtatayo ng telecommunication towers at iba pang pasilidad matapos maging batas ang Bayanihan to Recover as One o Bayanihan 2.

Sa ilalim ng Bayanihan 2, pinapayagan ang nasa tatlong taong suspension ng requirements para i-secure ang mga permit at clearance, maliban sa building permit, para sa construction, repair, operation at maintenance ng telecommunications at internet infrastructure.

Para sa homeowners at iba pang community clearances, ang mga requirements ay nakabatay sa Ease of Doing Business at Efficient Government Service Delivery Act.


Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, mapapadali na ang pagkuha sa mga kinakailangang permit para sa telco infrastructure na layong mapahusay ang telecom at internet services sa bansa.

Layunin nitong matugunan ang pangangailangan sa digital connectivity, internet speed at stability at cybersecurity sa e-commerce, e-government, online learning at telecommuting.

Pinaiikli rin ng Bayanihan 2 ang regulatory process para sa development at improvement ng digital, internet at satellite technology infrastructure.

Facebook Comments