Pagtatayo ng dalawang istasyon ng LRT line 2 east extensions, uumpisahan na! Pero heavy traffic, pagpasensyahan muna!

Manila, Philippines – Nakatakdang isara sa daloy ng trapiko ang dalawang lane ng Marcos highway.

Ito’y dahil sa pagsisimula ng konstruksyon ng mga istasyon ng Light Rail Transit (LRT) line 2 extension.

Ayon kay Transportation Sec. Arthur Tugade – kapag natapos ang pagtatayo ng mga istasyon, ang tatlong oras na biyahe mula masinag junction sa Antipolo hanggang Recto, Maynila ay magiging 40-minuto na lamang ito.


Nakahanda na ang mga viaduct na natapos nitong nakaraang taon para itayo ang emerald station sa harap ng isang mall sa Cainta Rizal at Masinag station sa Antipolo.

Konting pasensya aniya muna dahil pansamantalang bibigat ang daloy ng trapiko dahil sa pagsasara ng dalawang lane mula June 1 hanggang July 13.

Inaasahang matatapos ang proyekto sa July 2018 pero hindi pa ito magagamit dahil ipapa-bid pa ang elector mechanical system ng extension project para makapag-operate ng tren.

Nagkakahalaga ang proyekto ng 9.5 billion pesos at magagamit lamang ito ng publiko pagdating ng April 2019.
DZXL558

Facebook Comments