Inihain ni Senator Bam Aquino ang Senate Bill No. 2216 o panukala para sa pagtatayo Department of Water, Irrigation, Sewage, and Sanitation Resource Management.
Ang hakbang ni Aquino ay sa harap ng nararanasang krisis sa tubig sa ilang bahagi ng metro manila at mga kalapit na lugar na sakop ng operasyon ng Manila Water.
Diin ni Aquino, ang pagbuo ng Department of Water ay isang long-term solution upang hindi na maulit ang ganitong problema at hindi na maranasan pa ang water shortage, hindi lang sa kamaynilaan kundi sa buong bansa.
Para kay Aquino, mahalagang maisaayos ang kasalukuyang sistema kung saan ilang ahensiya ng pamahalaan ang may hawak ng tubig, irigasyon, sewage, at sanitation management.
Kinabibilangan ito ng National Water Resources Board, Local Water Utilities Administration, Metropolitan Waterworks and Sewerage System, National Irrigation Administration, Local Water Districts at Rural Waterworks and Sanitation Associations.