Tuesday, April 7, 2026

PAGTATAYO NG DIALYSIS CENTER SA DAGUPAN CITY, MALAPIT NANG MAGSIMULA

Isinagawa na ang pirmahan ng mga papeles para sa pagtatayo ng bagong dialysis center sa Poblacion Oeste, Dagupan City kasama ang City Engineering Office, bilang unang hakbang sa konstruksyon. Layunin ng bagong pasilidad na mapalapit at mapadali ang access sa dialysis treatment para sa mga pasyente sa lungsod at karatig lugar, lalo na sa mga may regular na pangangailangang medikal.

Kasama sa plano ang modernong kagamitan at maayos na pasilidad para sa komportableng karanasan ng mga pasyente, pati na rin ang pagdagdag ng sapat na waiting area at support facilities para sa kanilang pamilya at kasama. Inaasahan din na makakapagbigay ito ng trabaho sa ilang lokal na residente sa panahon ng konstruksyon at operasyon ng center.

Nagpahayag ng pasasalamat ang lokal na pamahalaan sa suporta ng barangay council sa proyekto, na naging malaking tulong sa mabilisang pag-apruba ng mga papeles. Ang konstruksyon ay inaasahang magsisimula sa itinakdang petsa ng pamahalaan, na may layuning maghatid ng mas maginhawa, episyente, at accessible na serbisyong medikal sa mga Dagupeño. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments