Pagtatayo ng evacuation center sa bawat lugar sa bansa, pinamamadali na ng Senado

Pinamamadali ni Senator Christopher “Bong” Go ang pagpapatibay sa panukala ukol sa pagtatayo ng evacuation center sa lahat ng panig ng bansa.

Hiniling ni Go ang agarang pagpapatibay sa Senate Bill 193 na layong tiyakin na ang mga pamilyang apektado ng kalamidad ay makakubli sa mga evacuation centers na ligtas at mayroong sapat na kagamitan.

Sinabi ni Go na humigit kumulang 20 ang bagyong pumapasok sa bansa kaya naman mahalaga ang disaster resiliency lalo’t ang geographic location ng bansa ay nakadagdag para maging lantad tayo sa mga disasters tulad ng bagyo, lindol, pagguho ng lupa, storm surges at iba pa.


Mahalaga aniyang makapagpatayo ng evacuation centers sa bawat syudad, munisipalidad at lalawigan na ligtas, permanente at mayroong sapat na emergency packs, tulad ng kumot, tubig, gamot, at iba pang relief goods.

Salig sa specifications ng National Building Code, ang bawat evacuation center na itatayo ay kakayanin ang mga super typhoons na may bilis ng hangin na 300 kph at seismic activity o lakas ng lindol na hanggang 8.0 magnitude.

Facebook Comments