COVID cases sa nakalipas na linggo, mas mataas ng 22%

44

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 17,891 na bagong kaso ng COVID-19 Mula Setyembre 19 – 25.

Nangangahulugan ito na ang average na bilang ng bagong kaso kada araw sa nakalipas na linggo ay nasa 2,556.

Ito ay mas mataas ng 22 % kung ikukumpara sa mga kaso noong Setyembre 12-18.


Sa mga bagong kaso, 2 sa mga ito ang malubha at nasa kritikal na karamdaman.

242 ang mga bagong binawian ng buhay sa nakalipas na linggo dahil sa COVID-19.

Kahapon, Setyembre 25,2022, 790 na COVID patients na malubha at kritikal ang naka-admit sa mga pagamutan.



Facebook Comments