Pagtatayo ng evacuation centers, ipagpapatuloy ng DPWH

Sa budget briefing sa Kamara ay tiniyak ni Department of Public Works and Highways o DPWH Secretary Manuel Bonoan na magpapatuloy sa susunod na taon ang pagpapatayo ng evacuation centers sa bansa.

Ayon kay Bonoan, kasama sa 2023 budget ng DPWH ang pagtatayo ng evacuation centers na sa ngayon ay umaabot na sa 80 sa buong bansa.

Kaugnay nito ay umaasa naman si Lanao del Norte Rep. Khalid Dimaporo, darating ang panahon na mahihinto na ang paggamit sa mga eskuwelahan bilang evacuation centers tuwing may kalamidad tulad ng bagyo, pagbaha at lindol.


Facebook Comments