PNP ILAGAN, PATULOY ANG PAGBABANTAY SA MGA TOURIST DESTINATIONS

27
Nagpapatuloy ang isinasagawang pagbabantay ng Ilagan City Police Station sa pamumuno ng hepe nito na si PLtCol Benjamin Balais sa ilang mga tourist destinations sa lungsod.

Mayroong nakatalagang Tourist Assistance Desks (TADs) ang kapulisan sa mga atraksyon gaya ng Ilagan Japanese Tunnel at Ilagan Sanctuary.

Ito ay bilang pagpapakita ng suporta ng kapulisan sa Lokal na Pamahalaan ng lungsod ng Ilagan sa adhikain nitong lalo pang palakasin ang turismo sa siyudad.

Layunin nito na magbigay gabay sa mga bumibisita sa mga tourist spots at masiguro ang seguridad ng mga turista sa lungsod.

Facebook Comments