PAGTATAYO NG ISANG MULTI-PURPOSE BUILDING PARA SA MGA MUSLIM-CHRISTIAN FILIPINOS SA BAYAN NG LINGAYEN, HILING NG LGU MATAPOS BUMISITA SI SEN. PADILLA SA BAYAN

Bumisita ang Chairman ng Senate Cultural Communities and Muslim Affairs Committee na si Senator Robin Padilla sa isang Filipino-Muslim Community sa bayan ng Lingayen, noong ika-6 ng Hulyo.
Makabuluhan ang naging pagbisita ng senador dahil nakadaupang palad nito ang mga miyembro ng Filipino-Muslim Community sa bayan at kung saan isinagawa din ang pamamahagi ng mga food packs sa mga kabilang sa filipino-muslim community sa bayan.
Dito na hiniling ng alkalde ng bayan ng Lingayen na si Mayor Leopoldo Bataoil ang pagkakataong makahiling ito ng isang proyekto na pagtatayo ng isang gusali para sa mga kabilang sa Muslim-Christian Filipinos sa bayan na isang Multi-Purpose Building.

Nagkaroon naman ng pagkakataon na bisitahin ng senador ang ilang makasaysayang pasyalan sa loob ng Capitol Complex at binisita din nito ang Limahong Tourism Center sa bayan. |ifmnews
Facebook Comments