Pagtatayo ng istraktura ng China sa Scarborough Shoal, isinisi ni Pangulong Duterte sa Estados Unidos

Manila, Philippines – Sinisi ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Amerika kaugnay ng patuloy na pagtatayo ng istraktura ng China sa Scarborough Shoal.
 
Sa kanyang talumpati sa Integrated Bar of the Philippines 16th National Convention sa Pasay City kagabi, iginiit ng pangulo na hindi lalaki ang naturang problema kung pinigilan agad ng Amerika ang nasabing aktibidad ng China.
 
 
Kasabay nito, muling iginiit ni Duterte na hindi kayang banggain ng Pilipinas ang China.
 
Gayunman, tiniyak nito na matatalakay pa rin sa kanyang termino ang tungkol sa arbitral ruling.
 

Facebook Comments