Manila, Philippines – Irerekomenda ni Agriculture SecretaryManny Piñol ang pagtatayo ng istruktura sa Benham Rise.
Ayon kay Piñol – mayaman sa lamang-dagat ang Benham Rise kungkaya’t dapat itong protektahan laban sa mga dayuhan na illegal na mangingisdasa nasabing lugar.
Balak itayo ang isang pasilidad na magsisilbing research centerpara sa mga marine scientist at pagdadaungan ng mga lokal na mangingisda.
Magkakaroon din ito ng ice making plant para mapanatiling sariwaang mga huling isda at magsisilbing station din ito ng Coast Guard at puwedengmaglagay ng weather radar station.
Target na matapos ang istruktura sa loob ng dalawa hanggangtatlong taon.
Bukod dito, nais din ni Piñol ipagbawal ang mineral explorationsa Benham Rise na layong mapangangalagaan ang napakaraming yamang-dagat.
Ang Benham Rise ay may 13 milyong ektaryang underwater plateauna may 5,000 ang lalim mula sa ibabaw ng karagatan at may 43 porsiyentoang nahuhuling isda at dinadala sa may Dinahican port sa Infanta, Quezon.
Pagtatayo ng istruktura at pagbabawal ng mineral exploration sa Benham Rise, isinusulong ni Agriculture Secretary Manny Piñol
Facebook Comments