Iginiit ni Vice President Leni Robredo ang pagtatayo ng mga karagdagang Drug Rehabilitation Centers sa bansa.
Sa programang Biserbisyong Leni sa RMN Manila, sinabi ni Robredo na ang kakulangan ng Rehab Centers sa bansa ang nagpapahadlang sa mga Drug Dependents na makahingi ng tulong.
Bilang Co-Chairperson ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs, titingnan din niya kung maayos na nagagamit ang mga Drug Rehab Centers
Para kay Robredo, hindi tama na pagsamahin o paghaluin sa loob ng Rehabilitation Centers ang mga drug pusher at drug users.
Nais din ng Bise Presidente na palakasin ang Barangay Anti-Drug Councils at Integration ng Preventive Educations sa mga eskwelahan.
Una nang nangako ang Dept. of Health (DOH) na magtatayo ng isang Treatment and Rehabilitation Center (TRC) kada Rehiyon.
Sa ngayon, nasa 13 hanggang 14 na TRC sa 17 Rehiyon sa bansa.