Pagtatayo ng LaundroDream, God’s plan ayon sa may-ari ng negosyo

Maraming mga plano ang nabago dahil sa COVID-19 pandemic lalo na pagdating sa negosyo.

Sa interview ng Business as Usual, ikinwento may-ari ng Laundro Dream na si Mary Rose Campanero na nagdesisyon silang itayo ang negosyo noong bago pa man ang pandemya.

Sa loob nang tatlong buwan nilang operasyon ay naging malakas ang negosyo pero bahagya itong humina mula nang ipatupad ang mga lockdown.


Pero sa kabila niyan, nanatiling matatag ang Laundro Dream lalo na’t isa ang laundry shop sa mga itinuturing na essentials.

Ayon kay Campanero, mas maganda pa rin daw ang naging plano ng Diyos para sa kanilang negosyo.

Facebook Comments