Pagtatayo ng mas malaki at disenteng evacuation centers, target na makamit sa itatatag na Department of Disaster

Target na makapagtatag ss buong bansa  ng mas malawak maganda, malinis at disenteng evacuation center para sa mga nasusunugan at biktima ng mga kalamidad.

Ito ang priyoridad sa balak na itatag na Department of Department of Disaster Resilience na isinusulong ni Sen. Sen. Bong  Go.

Sa kaniyang pagbisita sa Brgy. Olympia, Makati City, sa bersyon ni Go ,bibigyan ng kapangyarihan si Pangulong Rodrigo Duterte na  magtalaga ng mamumuno sa DDR.


Sa ilalim ng DDR, pag-iisahin na lamang ang Office of the Civil Defense, NDRRMC at iba pang ahensya para mas mapapabilis ang koordinasyon sa paghahanda, implementasyon at monitoring ng mga programa at tulong sa mga biktima ng kalamidad tulad ng sunog at pagbaha.

Sa pamamagitan nito,iisang departamento na lamang ang hahawak sa mga pondo upang matiyak na mapupunta sa kapakinabangan ng mga biktima ang mga ayuda.

Facebook Comments