Pagtatayo ng mega vaccination site sa Nayong Pilipino, hindi iligal

Binigyang-diin ng ilang ahensya ng gobyerno na hindi iligal ang pagtatayo ng mega vaccination site sa Nayong Pilipino.

Ayon sa Department of Tourism (DOT), ang nasabing konstruksyon ay gagamitin para sa publiko, batay na rin sa Presidential Decree No. 1445 at hindi lilikha ng kita.

Samantala, sa interview ng RMN Manila, itinanggi ng environmental planner na si Architect Jun Palafox na masisira ang urban forest at mayroong 500 puno ang puputulin sa konstruksyon ng vaccination site.


Tiniyak naman ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Spokesperson Undersecretary Jonas Leones na pag-aaralan nilang mabuti ang proyekto at titignang kung nakakasunod ito sa itinakda ng batas

Facebook Comments