Pagtatayo ng mga bagong Dam, kailangan na kahit walang El Niño  Ayon sa PAGASA-DOST

Naniniwala ang Department of Science and Technology na may pangangailangan na para dagdagan ang mga Water Sources tulad ng dam.

Ayon kay DOST Usec. Renato Solidum, kailangan na kasi aniyang magkaroon ng maraming source o pagkukunan ng tubig lalo na sa Metro Manila dahil sa lumalaking populasyon nito.

Kaya’t aminado siyang kukulangin na ang suplay ng Angat Dam para mapunan at maserbisyuhan ang mga residenteng umaasa rito.


Binigyang diin ni Solidum, bagama’t kasalukuyang humaharap ang Pilipinas sa malaking banta ng El Niño Phenomenon at kailangan itong paghandaan .

Tiyak kasing lalong mababawasan ang suplay ng tubig sa ganitong panahon dahil sa madalang ang ulan at tiyak na lalakas ang konsumo ng tao sa tubig.

Subalit kahit walang El Niño, sinabi ni Solidum na kakailanganin pa rin aniya ang pagkakaroon ng alternative water sources para mapanatiling sapat ang suplay nito.

Batay sa datos ng DOST, aabot sa Apatnaraang Milyong Litro ng tubig kada araw ang kayang i-suplay ng Angat Dam sa Bulacan na siya namang pinaghahatian ng 2 Water Concessionaires tulad ng Maynilad at Manila Water.

Facebook Comments