Pagtatayo ng mga microgrids sa mga lugar na wala pang serbisyo ng kuryente, iginiit ng isang senador

Pinakikilos ng senador ang Department of Energy (DOE) na palakasin pa ang pagpapatayo ng mga microgrids sa bansa.

Binigyang-diin ni Senate Committee on Energy Vice Chairman Sherwin Gatchalian na mahalaga ang pagpapatayo ng mga microgrids sa mga lugar na hindi pa naseserbisyuhan ng kuryente.

Mahalaga rin aniya ito para sa matamo ng gobyerno ang ganap na elektripikasyon sa buong bansa.


Ipinunto ni Gatchalian na kailangang gumawa ng hakbang ang DOE upang higit na mapabilis ang pagbuo ng microgrids para makatulong na maisulong ang electrification sa mga lugar na wala pang kuryente.

Batay aniya sa 2020 survey ng Philippine Statistics Authority (PSA), aabot sa 27.6% o humigit-kumulang 479,029 na kabahayan sa mga missionary areas ang wala pa ring kuryente hanggang ngayon.

Facebook Comments