Pagtatayo ng mga ospital para sa mga OFW, minamadali ng DOLE

Minamadali na ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang pagtatayo ng ospital para sa Overseas Filipino Workers (OFW’s) at kanilang mga anak o pamilya sa San Fernando, Pampanga.

Ang kauna-unahang ospital para sa mga OFW’s na nagkakahalaga ng ₱550 million ay itatayo sa lupang donasyon ng lalawigan sa Barangay Sindalan, San Fernando.

Sa nasabing pondo para sa 100–bed capacity hospital, ang ₱400-M ang gagastusin para sa pagpapatayo ng gusali habang ang ₱150 million na mula sa PAGCOR ay para nanan sa pambili ng hospital equipments.


Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, noong isang taon pa naaprubahan ang nasabing proyekto ngunit hindi pa naituloy dahil sa COVID-19 Pandemic.

Mayroon ng top-level committee na mangangasiwa sa pagbili ng mga procurement of hospital equipment at pagkuha ng medical personnel na magpapatakbo ng pasilidad sa Pampanga.

Ang naturang OFW Hospital na inaasahang matatapos hanggang Disyembre at itinuturing na legacy o pamana ng Duterte administration bilang pagkilala sa mahalagang kontribusyon ng mga OFW’s sa paglago ng ekonomiya.

Facebook Comments