Saturday, August 15, 2026

Pagtatayo ng mga permanenteng evacuation centers sa bawat lugar sa bansa, iginiit ng isang senador

COURTESY: Mayor Allan De Leon/Facebook

Pinamamadali ni Senate President Sherwin Gatchalian ang pagpapatayo ng permanenteng evacuation center sa bawat lungsod at munisipalidad bunsod ng malalakas na pag-ulan dulot ng epekto ng habagat.

Ayon kay Gatchalian, naaayon ito sa Ligtas Pinoy Centers Act, na nag-aatas sa pagtatatag ng mga evacuation center bilang ligtas at pansamantalang silungan ng mga residenteng lumikas dahil sa kalamidad.

Aniya, hindi na kakailanganing gamitin ang mga silid-aralan na maaaring makaantala sa ligtas na pagbabalik-klase kung may sariling evacuation centers ang mga lokal na pamahalaan.

Batay sa report ng Department of Education (DepEd), nasa 522 classrooms sa 134 na paaralan ang kasalukuyang ginagamit ng 2,815 pamilya bilang evacuation centers sa ibat ibang lugar sa bansa.

Umapela si Gatchalian sa pamahalaan na maipatayo agad ang mga evacuation centers alinsunod sa batas upang magkaroon ng ligtas na lugar ang mga Pilipinong maaapektuhan ng mga sakuna o kalamidad.

Facebook Comments