Saturday, August 15, 2026

PBBM, iginiit na hindi ill-gotten wealth ang ilang yaman ng pamilyang Marcos

PHOTO: Malacañang Palace archives

Iginiit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi dapat tawaging “ill-gotten wealth” ang ilang ari-arian ng pamilya Marcos.

Ayon sa pangulo, napatunayan sa mga civil case na napanalunan ng kanilang pamilya na hindi ill-gotten wealth ang mga ari-ariang sangkot.

Hindi aniya maaaring basta tukuyin bilang ill-gotten wealth ang mga ari-arian kung may mga desisyon ng korte na nagpapatunay na hindi ito ganoong uri ng yaman.

Samantala, sinabi ni Marcos na hindi siya gaanong nakatutok sa mga legal na usapin tungkol sa family wealth at ipinauubaya niya ang mga ito sa kaniyang mga abogado.

Kabilang sa mga binanggit na usapin ang Arelma assets, na may kinalaman sa tinatayang dalawang milyong dolyar na asset na umano’y inilagay sa isang shell company sa Panama.

Giit ng pangulo, hindi siya sangkot sa naturang legal proceeding at hindi na niya alam ang kasalukuyang estado nito.

Facebook Comments